Ito ay matapos hamunin umano ni Malonzo si Dr. Regino Paular, ng NHI, na magpakita ng dokumentong nagpapatunay na kabilang sa kanilang talaan na ang monumento ay isang historical landmark.
Ayon kay Malonzo, walang basehan ang NHI na magpalabas ng press statement na hindi puwedeng alisin ang monumento ni Bonifacio matapos mapatunayan nito na hindi nakalathala sa kanilang librong "Historical Markers-Metropolitan Manila" na nai-publish noong 1993.
Nag-ugat ang pag-aaway ng dalawa nang sabihin ni Paular na walang karapatan si Malonzo na alisin ang itinuturing na landmark ng bansa sa nasabing lungsod.
Dahil aniya, ito ay sinimulan pang itayo noong panahon ng American era matapos makipaglaban si Bonifacio sa mga Kastila.
Samantala, nauwi sa madugong komprontasyon ang masayang inuman ng tatlong magkakaibigan matapos ang dalawa sa mga ito ay magkapikunan at magtagaan, kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bonifacio Galero, 42, may-asawa, vendor, ng GSIS Village Caloocan.
Samantala, kusang sumuko sa pulisya ang suspek na si Romeo de Leon, 39, tricycle driver, ng nasabing lugar.
Nag-iinuman ang dalawang magkaibigan sa bahay ng isa pa nilang kaibigang si James Gaudia ng malasing ay nagbiruan hanggang magkapikunan. Sa buwisit ng suspek kumuha ito ng itak at pinagtataga ang biktima. (Ulat ni June Trinidad)