Sinabi ni Freddie Farres, executive director ng "Linis Gobyerno", kaya nila sinampahan ng mga kaso si Alvarez ay dahil sa pagkunsinti umano nito sa ilang katiwaliang nangyayari sa Cordillera Administrative Region ng DOTC, ang hindi umano pag-aksyon ng opisina nito sa mga colorum vehicles na illegal na nag-ooperate sa nasabing rehiyon at ang umanoy multi-million halaga ng mga computer at ilang iregularidad na may kinalaman sa traffic enforcement.
Napag-alaman, ang Linis Gobyerno ay isang grupo ng civil society na nakabase sa Baguio at kalaban ng mga corrupt sa pamahalaan.
Nais ng grupo na pigilan ang kumpirmasyon ni Secretary Alvarez sa Commission on Appointment (CA).
Aapela ang nasabing grupo sa CA na huwag palusutin si Alvarez bilang Secretary ng DOTC. (Ulat ni Lordeth Bonilla)