Tinutulan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Philippine Confederation of Drivers Organization-Alliance of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO) at Pambasang Katipunan ng mga Kooperatibang Pansasakyan (PKKP) ang nasabing inihaing proposal ni LTO Chief Roberto Lastimoso.
Ayon kay Lastimoso, isang traffic court ang bubuuin para dinggin hindi lang ang kaso ng mga abusadong motorista maging ang pagdinig sa kaso ng mga enforcer at mga opisyal ng LTO na irereklamo ng publiko.
Gayunman, sinabi ni Medardo Roda, pangulo ng PISTON na hindi umano mababawasan ang korapsiyon sa nasabing traffic court bagkus ay lalo pang kakalat dahil sa magiging moro-moro lamang umano ang paglilitis dahil sa hindi sila nakakasiguro kung mga tunay na abogado ang hahawak ng mga kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)