Ito ang inihayag kahapon ni Quezon City Mayor Sonny SB Belmonte Jr. sa paglulunsad ng Department of Education (DepEd) sa School Health and Nutrition Program sa Quirino Elementary School.
Base sa statistics na inilabas ng DepEd, nangunguna ang Quezon City sa pagkakaroon ng 143 gurong may tuberculosis na 43% ng kaso sa buong Metro Manila na may kabuuang 330 kaso ng pagkakasakit. Sinusundan ito ng Maynila (54) at Pasig (44).
Ikinatwiran ni Belmonte na may pinakamaraming paaralan din umano sa Metro Manila ang Quezon City kaya natural na ito ang manguna sa bilang ng mga kaso ng pagkakasakit.
Sa kabila nito, sinabi ni Belmonte na patuloy na magbibigay ng assistance ang pamahalaang lungsod sa mga guro upang maibaba ang bilang ng kaso sa mga pampublikong pagamutan nito.
Pinapurihan din ni Belmonte ang pagkakaroon ng School Health Program ng DepEd kung saan magbibigay ng health service ang lahat ng lokal na pamahalaan at ang Department of Health sa mga paaralan. (Ulat ni Danilo Garcia)