Nagsagawa ng serye ng water sampling o pag-aaral ang BFAR sa karagatan ng Manila Bay at dito lumabas na libre na sa red tide ang naturang baybayin kayat maaari nang makain ang lahat ng shellfish meat mula dito tulad ng talaba, halaan at tahong.
Gayunman, nananatili namang bawal kainin at ibenta ang lahat ng shellfish meat mula sa baybayin ng Masbate, Dumanguilas Bay, Davao Oriental at Zambales.
Ang mga lamang dagat na tulad ng isda, hipon, katang, pusit at iba pa na mula sa nabanggit na mga lugar ay kailangang linising mabuti at alisin ang bituka upang mapangalagaan ang kalusugan. (Ulat ni Angie dela Cruz)