Kahera sinaksak sa ari ng selosong lover

Hindi makagulapay ang isang kahera matapos bugbugin, hubaran at kutsilyuhin ang ari ng selosong ka-live-in na naghinalang nanlalalaki ang una kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Himalang nakaligtas sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima na si Esterlita Pallar, 26, ng #2461 Pasong Tirad St., Brgy. Tejeron, Makati, Samantala, ang suspect na tugis ngayon ng Makati Police ay nakilalang si Luciano Pebenito, contractor ng nasabi ring lugar.

Ayon sa kay PO2 Evangeline Babor ng Makati City Police, alas-3 ng madaling-araw kahapon sa tahanan ng mag-live-in naganap ang insidente habang ang mga ito ay nakahiga.

Pinagpipilitan ng suspect na may ibang lalaki ang biktima na mariin naman nitong itinanggi. Nag-init ang ulo ng suspect at ginulpi ang biktima. Hindi pa nakuntento kaya kumuha ng kutsilyo at tinusuk-tusok ang ari nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments