Ito ang naging pahayag ng isang boarder na guest relations officer matapos na masunog ang kanilang inuupahang bahay kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Halos natulala naman sa pangyayari ang may-ari ng paupahang bahay na si Erlinda Cervantes ng no.18 Matipuno St.,V.Luna na ang kanyang inaasaang buwanang kita ay naging abo.
Sa inisyal na ulat ni FO3 Daniel Palisa ng QC Fire Department na nahulog dakong alas-3:19 ng madaling araw ang isang kandila na nakalagay sa altar ng isa sa nangungupahan.
Karamihan sa boarders ay pawang mga GRO at mahihimbing na natutulog sa mga oras na iyon.
Nadilaan ng apoy ang mga kurtina na siyang dahilan nang mabilis na pagkalat nito sa mga katabing kuwarto.
Mabilis namang nakapagresponde ang pamatay sunog kaya't mabilis na naapula ang sunog dakong alas- 4:11 ng madaling at wala nang nadamay pang mga katabing bahay . (Ulat ni Jhay Mejias)