Unang nagbigti gamit ang nylon cord si Primo Villanueva Jr., 38, at residente ng Brgy.Bayanan,Muntilupa City.
Natagpuan ang nakabiting katawan ni Villanueva dakong alas-3:30 ng hapon ng kanyang pamangkin na si John Paul,16.
Nabatid sa ilang kamag-anak na hindi umano makakita ng trabaho ang biktima na siyang naging dahilan para ito ay mawalan ng pag-asa sa buhay.
Kahapon ng alas-8:35 ng umaga ay natagpuang nakabitin sa kisame ang bangkay ni Aristeo de Luna,26,binata, stay-in messenger/caretaker ng Houston Well Screen Philippines Inc.,na matatagpuan sa BF Homes,Las Piñas City.
May hinala ang pulisya na ang pagkakamatay ni De Luna ay may kaugnayan sa lagi nitong pag-inda sa masakit nitong ulo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)