Binata nabasted nagpakamatay

Winakasan kahapon ng madaling araw ng isang 18-anyos na binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos hindi matanggap ang pagbasted ng isang dalaga na kanyang iniibig sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Alejandro Oneses Jr., walang trabaho at residente ng 514 Calabasa Road ng nasabing lugar.

Ayon sa pulisya nadiskubre ang pagpapatiwakal ni Oneses ng kanyang pamangkin na si Ramil Osorio, 16, bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Gumamit ng nylon cord ang biktima na ipinulupot sa kanyang leeg at saka itinali sa kisame bago tumalon.

Walang nakuhang anumang suicide note sa loob ng kuwarto upang malaman ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima.

Subalit isang oras bago umano nagbigti ang biktima ito ay pinagalitan ng kanyang tiyuhin na nakilalang si Mario Osorio dahil sa ginawa nitong pagbabasag ng bote sa kalsada.

Ang dahilan umano nang pagbabasag ng bote ng biktima ayon sa ilang kaibigan ay hindi nito matanggap ang pagbasted ng isang babae na kanyang nililigawan.(Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments