Ayon kay Southern Police District Office (SPDO) Director Chief Supt. Jose "Sonny" Gutierrez, nakatakdang i-lie test sina dating Land Transportation Office (LTO) chief, Ret. Gen. Edgardo Abenina; Col. Romeo Lim; Supt. Diosdado Valeroso; Supt. Rafael Cardeno at ret. Capt. Proseso Maligalig.
Layunin nito na malaman kung nagsasabi ng totoo at hindi nagsisinungaling sa kanilang pahayag ang mga nabanggit na opisyal.
Ang mga nasabing personalidad ay sinasangkot umano sa Cervantes slay.
Napag-alaman na naunang humarap sa mga imbestigador ng SPDO sina Maligalig, Lim at Valeroso sa kanilang mga pahayag ay mariing pinabulaanan ang pagkakaugnay nila sa kasong pagpatay kay Cervantes.
Samantala, sina Abenina at Cardeno ay kapwa hindi pa humaharap sa pulisya upang linawin ang pagkakasangkot nila sa nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)