Ito naging pahayag kahapon ng isang opisyal ng Southern Police District (SPD), na tumangging magpabanggit ng pangalan matapos ibunyag ng dalawang testigo na nasa custody nila ngayon.
Ibinunyag ng testigo na tumangging banggitin ang pangalan, na mukhang sundalo at may magandang pangangatawan ang trigger man ni Cervantes.
Kayat ayon pa sa source, may hinala silang may koneksiyon sa military ang pumatay sa nabanggit na YOU spokesperson.
Sinabi ng pulisya na marami na silang positibong mga lead na nakalap sa kaso ni Cervantes kayat tiniyak nito na sa buwan ng Enero ay malulutas na nila ang naturang kaso.
Samantala, hindi sumipot kahapon si Lt. Col. Rafael Cardeno, isang miyembro rin ng Rebolusyong Alyansang Makabansa (RAM) at kasama sa personalidad na iniuugnay sa Cervantes slay.
Ayon pa sa SPD malamang sa Lunes haharap sa kanilang tanggapan si Cardeno upang linawin ang pagkakaugnay ng pangalan nito sa kaso.
Nanawagan naman ang pulisya sa mga kaanak ni Cervantes, na isumite sa kanilang tanggapan ang gamit ng biktima na posibleng makakadagdag sa paglutas ng kaso nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)