18 bagets na sumisinghot ng rugby naaresto

Sinuyod ng mga awtoridad ang kahabaan ng Quezon Avenue at dito ay nakaaresto sila ng labinwalong kabataan na nasa aktong sumisinghot ng rugby kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Allan Parreño,hepe ng CPD station 10,naaresto nila ang may

18 kabataan na kinabibilangan ng anim na babae at labindalawang lalaki na pawang nasa impluwensiya ng rugby nang ito ay masakote.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya dakong alas-6:30 ng gabi dahil sa mga sumbong na natatangap ng kanilang opisina na umano'y lantaran sa pagsisinghot ng rugby ng mga nasabing kabataan.

Ang mga kabataan ay nahaharap sa kasong bagansiya at paglabag sa PD 1619 at nakuha sa mga ito ang mga mineral water na pinaglalagyan ng rugby at mga supot na gagawing ebidensiya ng pulisya sa pagsasampa nila ng kaso sa korte. (Ulat Jhay Mejias)

Show comments