Nakilala ang nasawi na si Rodolfo de Guzman, 30, binata, security guard sa Philippine Heart Center, at residente ng Tandang Sora, Quezon City.
Sa ulat, nabatid na ang party ng kumpanyang Nationwide Security Agency kasama lahat ng security guard nito ay ginawa sa may Lay-Arms Resort, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal.
Bumaha ng alak sa naturang resort at matagal na nag-inuman ang grupo ni de Guzman. Sa gitna ng inuman, nagpaalam umano ang biktima na iihi lamang ngunit hindi na nakabalik sa kanilang umpukan.
Dakong ala-1 ng madaling-araw nang madiskubre ang biktima na lumulutang sa pinakamalalim na bahagi ng swimming pool.
Agad dinala ang biktima sa Rodriguez Hospital makaraang bigyan ito ng mouth-to-mouth rescucitation ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng mga doktor. (Ulat ni Danilo Garcia)