Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang biktimang si PO1 Jaworski Osngal, 25, at nakatalaga sa Provisional Patrol Unit ng Northern Police District (NPD).
Samantala, kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si FO3 Raymundo Sabare, 39, miyembro ng BFP at residente ng 489 Sitio Uno, Caloocan City.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-2:15 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa loob ng Atoy Kings Video na matatagpuan sa Samson Rod, Railroad Track, ilang hakbang lamang ang layo sa himpilan ng Caloocan police.
Napag-alaman na magkahiwalay na nag-iinuman ang dalawa kasama ang kanilang mga barkada nang bigla na lamang magkaroon ng komosyon ang isang grupo ng kabataan na nag-iinuman din.
Tinangka umanong awatin ng biktima ang mga nag-aaway subalit napagkamalan ito ng suspek na bubunot ng baril at babarilin ang mga kabataan kayat mabilis din itong binaril ni Sabare sa mukha. (Ulat ni Gemma Amargo)