Sa isang panayam, ang pagtataas ng kontribusyon sa SSS at kabilang sa mga inirekomenda ng International Monetary Fund mission kasama ang pagtataas ng buwis sa produktong petrolyo.
Sinabi ni Camacho na ang dalawang hakbang na ito ang nakikita ng IMF mission para matugunan ang nakikitang suliranin sa pension fund dahil hindi balanse ang kontribusyon sa benepisyong nakukuha ng mga empleyado sa pribadong tanggapan.
Sinabi ni Camacho na kung matuloy man ang planong ito ang tanging saklaw lang nang pagtataas ng kontribusyon ay yaong ang sahod ay wala pang P12,000 hanggang P15,000 isang buwan. (Ulat ni Lilia Tolentino)