Ang katawan ng biktima ay natagpuan sa loob ng comfort room ng natupok na establisimiyento na puminsala rin ng mga ari-ariang umabot sa halagang P10 milyon.
Ayon sa mga imbestigador, ang sunog ay nagsimula ganap na alas-5:34 ng hapon nang ang delivery van ng mga paputok na may plakang TTZ-675 mula sa Bulacan ay magdedeliber ng mga paputok sa isang commercial building na matatagpuan sa 4824 Sto. Cristo St., Binondo.
Nabatid na ibinababa na umano ng isang nangangalang Carlito Ramos, may-ari ng Ramos Merchandise na matatagpuan rin sa Binondo ang mga paputok nang bigla na lamang makarinig ng malakas na pagsabog ang mga nasa paligid mula sa likod ng van na nakaparada sa harap ng building.
Nadamay sa sunog ang isang apat-na-palapag na establisimiyento na inu-okupahan ng ilang mga commercial at business offices kabilang na ang Air Phils. at Cebu Pacific Airlines.
Tumagal ng dalawang oras ang sunog bago tuluyang naapula kamakalawa ng gabi ng mga miyembro ng pamatay sunog at Ang apoy ay naapula pagkatapos ng dalawang oras.
Gayunman, kahapon ng umaga na lamang natagpuan ang labi ng biktimang Intsik na nakulong sa loob ng palikuran. (Ulat ni Ellen Fernando)