Ito ang resultang ipinalabas kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa tatlong eksaminasyon na isinagawa kay Medel.
Ayon kay Dr. Romel Papa, chief ng NBI psychiatric division, napatunayan nilang walang sayad o sakit sa pag-iisip si Medel dahil consistent ito sa kanyang naging mga pagsagot sa bawat tanong na ibinibigay sa kanya.
Lumitaw na kalmante rin ang tibok ng puso at pulso ni Medel nang isalang ito sa polygraph examination.
Gayunman, bumagsak si Medel sa physical test nang sabihin nitong tinorture siya ng mga tauhan ng pulisya sa loob ng Camp Crame para paaminin sa naturang krimen.
Sinabi ni Atty. Ricardo Diaz, na walang nakitang anumang marka nang pagpapahirap o torture sa katawan ni Medel.
Nakita rin sa eksaminasyon na hypomanic episode ang kondisyon ni Medel bunsod nang pagiging madaldal nito at palabiro.