Nakilala ang nadakip na si Enrique Dungao, alyas Ricky Ratrat at kasalukuyang naninirahan sa C. Jacinto St., Sangandaan, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon nang masakote ang suspect sa mismong tahanan nito habang nagbebenta ng bawal na gamot sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Ayon sa ulat, ang suspect matapos ang isang taong pagtatago makaraang mapatay ang isang tauhan ng DEU na si SPO2 Alberto Lizarondo noong nakalipas na Nobyembre 26, 2000 sa isa ring buy-bust operation ay muling bumalik sa kanilang bahay at itinuloy ang kanyang operasyon.
Napag-alaman pa na si Dungao ay may standing warrant of arrest na inisyu ni Judge Silvestre Bello Jr. ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 28 dahil sa pagkakapatay sa nasabing pulis. Ito ay itinuturing din na no. 2 most wanted criminal sa lungsod. (Ulat ni Gemma Amargo)