61-anyos nagbaril dahil sa AIDS?

Dahil sa umano’y tinataglay na sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), isang 61-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos itong magtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nasa kritikal na kondisyon sa Chinese General Hospital ang biktimang si Peter Go ng Buwagan St., San Jose, nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, nakuha rin sa tabi ng biktima ang isang suicide note na nagsasaad ng may sakit umano itong AIDS kung kaya nagdesisyon itong magpakamatay.

Napag-alaman na dakong alas-4:30 ng umaga ng magtangka itong magpakamatay sa loob ng kanyang bahay gamit ang isang kalibre .38 baril.

Samantala, patuloy namang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol sa insidente at kung ang nakuhang suicide note sa tabi nito ay sulat nga ni Go. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments