Ayon kay Councilor Jorge Banal, sa kasalukuyan ay wala umanong malinaw na indikasyon kung saan at paano itinatapon ang naturang mga dumi na kinukuha ng mga septic tank service contractors sa kanilang mga kliyente.
Sinabi ni Banal na ang naturang dumi o septic sludge ay isang highly toxic waste material na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga tao kung hindi ito dinadala sa tamang tapunan.
Hindi lamang sa kalusugan ng tao makakaapekto ito, ani Banal, kundi maaari pa itong makaapekto sa tubig na dumadaloy sa mga tubo na maaaring maging sanhi ng kontaminasyon sa pamamagitan nang pagdaan ng mga ito sa mga tubong may butas.
Upang maagapan kailangan umano ang isang agarang imbestigasyon sa mga naturang kontraktor at kailangan ding magkaroon ng regular na monitoring sa mga ito. (Ulat ni Doris Franche)