Dalagita 3 araw naging sex-slave ng tiyo

Mistulang kalbaryo ang dinanas ng isang 13-anyos na dalagita matapos itong molestiyahin at tatlong araw na ikinulong sa kuwarto ng kanyang tiyuhin sa Makati City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Karen, isang high school student, nakatira sa Sunrise St., Brgy. Singkamas ng lungsod na ito.

Samantala, ang suspect ay nakilalang si Rogelio dela Cruz, 29, binata, nakatira sa nabanggit na address ay nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell.

Ayon sa report na natanggap ng Makati City Police Complaint Desk, dakong ala-1 kahapon ng madaling-araw nang magsisigaw ang biktima upang humingi ng tulong.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang dalawang miyembro ng MAPSA sa nabanggit na lugar.

Dahil dito, kaagad na pinuntahan ng dalawang MAPSA ang nagsisigaw na biktima at nadiskubreng tatlong araw na itong nakakulong sa loob ng kuwarto ng kanyang tiyuhin na rito umano isinagawa ang pangmomolestiya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments