Nakilala ang nasawing biktima na si Lady Blanca Ignacio ng 1048 Solis St.
Base sa ulat ng WPD homicide section, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng tanghali sa loob ng tahanan ng pamilyang Ignacio.
Nabatid na naging pabaya ang ina ng bata na si Milet nang iwan nitong nakabukas ang bote ng cyanide habang naglilinis ng kanyang mga alahas.
Dahil sa pagiging inosente ng bata ay nagawa nitong makuha at inumin ang nasabing lason.
Pinag-aaralan ngayon ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang demanda laban sa pabayang ina na naging dahilan ng maagang pagkamatay ng kanyang sariling anak.(Ulat ni Ellen Fernando)