Kinilala ni Inspector Dominador Raymundo, hepe ng Pasig Warrant Division ang suspect na si Guillermo Cadano, ng Purok 3 Floodway, Barangay Sta. Lucia ng nabanggit na lungsod.
Si Cadano ay dinakip matapos bumalik sa kanilang bahay makaraang magtago ng may pitong buwan. Ito ay ipinaaresto ng kanyang kinakasamang si Liza.
Sa rekord ng pulisya, nakasuhan si Cadano ng tatlong bilang ng statutory rape nang halayin nito ang kanyang stepdaughter na noon ay pitong taong gulang pa lamang. Una niyang ginahasa ang biktima noong 1996. Maraming beses pa umano itong naulit sa tuwing wala ang ina ng bata.
Hindi umano niya ipinagtapat dahil sa ginawang pananakot ng suspect na papatayin siya at ang kanyang ina. Ang pinakahuling insidente umano ay naganap noong Hulyo ng nagdaang taon. (Ulat ni Danilo Garcia)