Ang suspension ay isinagawa base na rin sa administrative complaint na iniharap noong nakalipas na linggo ni DILG Secretary Jose Lina sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mga nabanggit na kinasuhan ng grave misconduct at abuse of authority.
Magugunitang si Mayor Mitra at ang dalawang municipal employees ay nahuli ng composite team buhat sa PNP Narcotics Group at sa National Bureau of Investigation sa pakikipagtulungan ng Quezon PNP Provincial Mobile Group habang inieskortan ang isang ambulansiya na naglalaman ng droga na pag-aari ng munisipalidad noong hapon ng Oktubre 13, 2001 sa Barangay Kiloloran, Real, Quezon Province.
Matapos ang isinagawang eksaminasyon nakumpirma ng NBI at PNP laboratory na ang mga nasamsam na kontrabando ay mga shabu.
Sa kanyang kautusan, sinabi ni Desierto na ang charges laban sa tatlo na maaari pang maging dahilan ng pagdismis sa kanila sa serbisyo sakaling mapatunayan. Idinagdag pa nito na ang temporary suspension sa tatlo ay agad na magkakaroon ng epektibo na kailangang ipatupad ng DILG secretary. (Ulat ni Grace Amargo)