Bukod sa nasabing parusa, pinagbabayad din ni Judge Lilia Lopez ng Pasay-RTC Branch 109 ang akusadong nakilalang si Jomar Batinga alyas Maya ng P125,000 bilang moral at civil damages sa biktima nito na tubong Cavite.
Sa 12-pahinang desisyon ng Korte sinasabing naganap ang insidente noong Abril 22, nakalipas na taon nang pasukin ng akusado ang biktima sa kantina na pinagtatrabahuhan nito sa Leveriza St., Pasay City.
Unang dumating ang akusado kasama pa ang dalawa nitong kaibigan sa nasabing kantina upang magmeryenda.
Nang matapos kumain, agad ding umalis ang akusado kung kayat agad ding nagbalik sa pagtulog ang biktima ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nagbalik ang akusado at pumasok sa loob ng naturang kantina.
Nagulat na lamang ang biktima nang maalimpungatan itong nasa tapat na niya ang akusado na armado ng patalim.
Sa kabila ng malakas na pagsipa at sigaw ng biktima, nangibabaw pa rin ang lakas ng akusado at matagumpay nitong nagahasa ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)