Muling binuhay ni Marikina Mayor Maridess Fernando ang Ordinance 38353 series of 1997 na isinasaad ang maayos na pananamit tuwing lalabas ang mga residente sa kanilang bahay. Ipinagbabawal dito ang mga taong nakahubad ng damit pang-itaas na tumambay sa lansangan.
Ayon kay Fernando, itoy bahagi ng disiplinang ipinatutupad ng pamahalaang lokal para sa mga residente upang maging kaaya-ayang tingnan ang naturang lungsod. Maaari rin namang maghubad ang mga residente pero sa loob na ng kanilang mga tahanan.
Ang mga mahuhuling lalabag dito ay papatawan ng kaukulang multa at maaaring makulong sa paulit-ulit na paglabag dito. (Ulat ni Danilo Garcia)