Antrax scare umatake sa Pasig condo

Nagkaroon ng pagpa-panic sa mga mamamayang residente sa isang first class condominium sa Pasig City matapos na madiskubre ang ilang kahina-hinalang sulat buhat sa Singapore na kinatakutang naglalaman ng anthrax virus, kamakalawa ng gabi.

Agad na nagtungo si Supt. Antonio Aguilar, hepe ng EPD-Criminal Investigations Group sa Alexandra Condominium na nasa Meralco Avenue, Brgy. San Antonio matapos na iulat ni Rey Tison, chief security ng condo ang pagkakatagpo sa mga sulat dakong alas-5:30 ng hapon.

Ang mga sulat na nakalagay sa puting sobre ay nadiskubre sa mga mailbox ng ilang mga residente dito.

Agad namang nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol dito. Ang naturang mga sulat ay kagaya rin ng mga sulat na kumalat sa iba pang panig ng bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments