Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawi. Nakasuot ito ng kulay gray na short at asul na long-sleeve na t-shirt na may tatak na "Trans Cycle Mart", nasa pagitan ng edad na 30-40 at may taas na 52 hanggang 54 talampakan.
Kusang-loob namang sumuko ang nakasagasa na si Janice Olivia Sy, 22, empleyado ng isang bangko at residente ng No. 8 Tindalo St., Valle Verde III ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng C-5 Road, Barangay Bagong Ilog habang binabagtas ni Sy sakay ng kanyang Toyota Corolla UTT-341 ang naturang lugar nang hindi nito napansin ang isang lalaki na nakahiga sa gitna ng kalsada.
Hindi na nagawa pang makapagpreno ni Sy dahil sa bilis ng takbo hanggang tuluyang magulungan ang biktima.
Ayon sa pulisya, posibleng lasing ang biktima at hindi nito alintana ang paghiga sa gitna ng kalsada o maaari ring intensyon talaga nitong magpakamatay. (Ulat ni Danilo Garcia)