Ang pagtiyak ay ginawa ng Pangulo sa isinagawa niyang pagsasalita sa pagdiriwang ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI) Community Day sa Muslim Mosque grounds sa Malacañang.
Sa kanyang pagsasalita, sinabi ng Pangulo na hihingi ng tulong ang pamahalaan sa Saudi Arabian Embassy sa Manila para sa panukalang Muslim schools na magkakaroon ng Arabic teachers.
"Maaari nating i-convert sa Muslim schools ang mga paaralan natatayo sa kanilang komunidad na nadodominahan ng Muslim residents," dagdag pa ng Pangulo.
Nauna dito, nakipagdiyalogo ang Pangulo sa mga Muslim leaders na humiling sa Department of Education na ma-exempt ang mga Muslim students sa pagsusuot ng school uniforms at shorts sa kanilang physical education classes dahil ito umano ay hindi tinatanggap ng kanilang cultural practices.