Tiniyak ni Desierto na hindi natutulog ang kasong plunder laban sa mga ito at sa iba pang alkalde na nasampahan din ng kaso tulad nina Manila Mayor Lito Atienza at Parañaque Mayor Joey Marquez.
Samantala, ibinunyag naman ng complainant na si Serafin Neria na matapos niyang isampa ang nasabing kaso laban sa mag-amang Abalos ay sunud-sunod na ang pagbabanta sa kanyang buhay.
Kasabay ang umanoy panggigipit sa kanya mula sa mga empleyado ng Mandaluyong City Hall, partikular na ang tangkang pag-aresto sa kanya ng walang arrest warrant dahil sa kasong plunder.
Naniniwala si Neria na ang mga pananakot sa kanya ay nagmumula sa kampo ni Abalos upang iurong nito ang nasabing kaso. (Ulat ni Grace Amargo)