Ang mga palimbagan ng mga textbooks at lab manuals, ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco ay ang SIBS Publishing House, Inc. na nasa N.B Santos Bldg., sa Quezon Avenue, Quezon City at ang bodega nito sa 133-B Sto. Domingo Avenue, ng nabanggit ding lungsod.
Bago isinagawa ang pagsalakay, napag-alaman na nakatanggap ng reklamo ang ahensya mula sa pangulo ng Phoenix Publishing House Inc. na si Ma. Erlinda Sibal.
Nabatid na ang naturang publishing house ay nagbebenta ng copyrighted books ng Phoenix Publishing at ito ay lumabag sa Sec. 177 na may kaugnayan sa section 217 ng R.A 8293 para sa Copyright Infringement.
Sa isang surveillance at test buy ay nakumpirma ang ulat na ito at dahil dito ay isang search warrant ang ipinagkaloob ni Judge Arsenio Magpale ng RTC Branch 225, ng Quezon City at saka isinagawa ang operasyon.
Nabatid na may apat na taon na umanong isinasagawa ng nasabing publishing house ang iligal na pagkopya at pagbebenta ng mga libro nang walang kaukulang permiso sa Phoenix. (Ulat ni Andi Garcia at Ellen Fernando)