Nakilala ang nasawing biktima na si Herminio Legaspi, ng Malong St., Dagupan, Tondo na namatay sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng ulo.
Tumakas naman ang suspect na tinatayang may taas na 411 talampakan, payat at pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng droga sa naturang lugar.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-5:30 ng umaga habang naglalakad ang biktima sa kanto ng Canal dela Reina St. at Juan Luna St., Tondo.
Ayon sa ilang saksi, bigla na lamang sumulpot sa likuran ng biktima ang suspect at walang sabi-sabi itong pinaputukan ng baril sa ulo.
Sinabi naman ng asawa ng biktima na nagpaalam sa kanya ang kanyang mister kamakalawa ng gabi na may kakatagpuing kaibigan subalit hindi na ito nakauwi pa.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Grace Amargo)