Nakilala ang mga dinakip na dayuhan na sina Tai Teck Cheong, Lee Chi Ming at Tan Boon Sim, pawang pansamantalang naninirahan sa 94-A Sct. de Guia St., Quezon City.
Ayon sa NBI, noong nakalipas na Hulyo 23 ay nakatanggap sila ng impormasyon buhat sa Videogram Regulatory Board (VRB) tungkol sa mga suspect na sangkot umano sa paggawa ng pirated VCD movies at ang kanilang tinutuluyan ang siyang ginagamit nitong factory.
Agad na nagsagawa ang NBI ng test buy at nakumpirma naman ang VRB tip.
Dahil dito, agad naman silang kumuha ng search warrant kay Manila Judge Antonio Eugenio para maisagawa ang operasyon.
Dakong alas-3 ng hapon, ng isagawa ang operasyon sa bahay ng mga suspect at doon naaresto ang tatlong dayuhan.
Nasamsam din sa mga ito ang may 59,700 piraso ng ibat ibang VCD movies; 20,700 VCD labels at VCD stamper na nagkakahalaga ng may apat na milyong piso. (Ulat ni Mike Frialde)