Sa inilabas na resolusyon nina Sandiganbayan Justices Minita Chico Nazario, Ma. Cristina Cortez-Estrada at Nicodemo Ferrer ng 5th Division ipinagkaloob kay Malonzo ang motion na iniharap ng abogado nito upang i-withdraw ang anumang impormasyon tungkol sa nasabing kaso.
Ipinag-utos din ng Sandiganbayan ang pagkansela ng surety bond ni Malonzo at pagtatanggal ng hold-departure order dito.
Lumabas sa rekord ng korte na walang sapat na basehan laban kay Malonzo sa kasong isinampa ni Asistio.
Magugunitang nagharap ng P5.9 milyong graft charges si Asistio laban kay Malonzo na may kinalaman sa P22.814 milyon na inutang ng city government mula sa Philippine National Bank (PNB) para sa konstruksyon ng Maypajo Public Market noong 1983.
Ayon kay Malonzo, ang pagkaka-absuwelto niya sa nasabing kaso ay malinaw na pangha-harass ng mga kalaban niya sa pulitika. (Ulat ni Gemma Amargo)