Nakilala ang nasawi na si Celestino Digno, 44, ng Tandang Sora St., Barangay Parang, Marikina City.
Nadiskubre ang bangkay nito ng kanyang misis na si Norma dakong alas-4:15 ng madaling araw na nakabitin gamit ang isang lubid sa gitna ng sala ng kanilang bahay.
Sa ulat ni PO2 Edwin Arce, isang pagtatalo umano ang namagitan sa mag-asawa bago ang naganap na pagpapakamatay ng lalaki. Tumanggi umanong pasipingin ng babae ang kanyang mister na lubhang dinamdam ng biktima.
Samantala, dahil sa pagkakatanggal sa trabaho ay minabuti na lamang ng dating manager sa isang pizza parlor ang magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Manila, kahapon ng umaga.
Nakilala ang nagpatiwakal na si Romel Samper, 24, ng New Antipolo St., Tondo, Manila.
Nabatid na naging malungkutin ang biktima makaraang labis nitong damdamin ang pagkakasibak sa kanyang trabaho dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng isang delivery boy ng nasabing pizza parlor noong buwan ng Mayo. (Ulat nina Danilo Garcia at Andi Garcia)