Ang New Zealander na si Brian James Curtis, 69, ay inaresto ng mga elemento ng BI kahapon sa tinitirhan nito sa San Andres Bukid sa Maynila.
Si Curtis ay dinakip makaraang humingi ng tulong sa BI ang embahada ng New Zealand upang madakip ang naturang dayuhan.
Nabatid na nilabag ni Curtis ang Philippine Immigration Law ng gamitin nito ang ibang pasaporte.
Hindi lamang sa kaso ng droga nahaharap si Curtis kundi sangkot din ito sa kaso ng conspiracy, theft at burglary. (Ulat nina Grace Amargo at Andi Garcia)