Nagmistulang uling ang katawan ng biktimang si Lou Salvador ng ACA Compound dahil sa tinamong 4th degree burn at hindi na ito umabot ng buhay sa Fatima Hospital.
Sa ulat ng pulisya na bandang alas-5:00 ng hapon ay masayang naglalaro ang biktima kasama ang ilang barkada sa gitna ng ulan malapit sa bahay nito.
Bigla na lamang umanong tinamaan ng kidlat ang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)