Ayon kay Supt. Napoleon Taas, Hepe ng Special Operations Group ng Manila City Hall, nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang nagmamay-ari ng nasabing bar na si Emma Lim dahil sa patuloy na pagbabalewala nito sa closure order na ipinalabas ni Manila Mayor Lito Atienza dahil sa paglabag ng city ordinance at Philippine Immigration Laws.
Nabatid na ang Karaoke bar ay ipinasara ni Atienza makaraan ang isinagawang raid ng mga ahente ng National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration dito sanhi ng pagkakaaresto ng may 14 kababaihang Chinese national dahil sa ilegal na pagkakapasok ng mga ito sa bansa at pagtatrabaho bilang mga Guest Relations Officers (GRO) na walang working visas at health clearances mula sa City Hall. (Ulat ni Ellen Fernando)