Binata tumitig sa seksing dalaga, tinodas

Matapos tumitig at humanga sa isang dumadaang dalaga, isang 18-anyos na binata ang pinatay sa saksak ng hindi pa kilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Dead-on-arrival sa Makati Medical Center ang biktima na si Jack Gloria, construction worker, nakatira sa Tanyag, Bicutan, Taguig sanhi ng tinamong saksak sa katawan.

Ayon kay Lucito Gloria, pinsan ng biktima kay SPO4 Socrates Fernandez, ng Homicide Section, dakong alas-11:45 ng gabi sa overpass ng Edsa Loyola Memorial Chapel, Brgy. Guadalupe. Habang nag-aabang sila ng biktima ng masasakyan ng tiyempong napadaan ang isang dalaga.

Dahil sa seksi ito napatitig at napahanga ang nasabing biktima na ikinainis umano ng babae. Umalis ang babae at pagbalik ay kasama na ang suspek at walang sabi-sabing sinaksak ang biktima. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

Show comments