Dahil na nadomina ng Lakas party ang kabuuan ng city council naniniwala si Belmonte na ang lahat ng kanyang programa para sa lungsod ay madaling magkakaroon ng katugunan. Malaki rin ang paniwala ng mayor na maitataas niya ang antas ng pamumuhay ng mga city residents.
Ang mga prinoklama ni Alioden Dalaeg, chairman ng Board of Canvassers, sina Wilma Sarino, Victor Ferrer Jr., Elizabeth Delarmente, Bernadette Herrera, pawang kabilang sa administration party Lakas; Vincent Crisologo at Rommel Abesamis, ng LDP, bilang mga nahalal na konsehal sa unang distrito.
Sa ikalawang distrito naman ang prinoklama ay sina Voltaire Liban III, ang aktres na si Aiko Melendez- Yllana, Ramon Medalla, Eric Medina, ng Lakas; Mary Ann Susano (LDP) at Allan Francisco, independent.
Sa ikatlong distrito, sina Jorge Banal at Dante de Guzman, kapwa ng Lakas; Franz Pumaren, Wencerom Lagumbay, Diorella Maria Sotto, ng LDP at Julian Coseteng ng NPC.
Habang sa ikaapat na distrito naman ay sina Jesus Suntay, Antonio Inton, Ricardo del Rosario at Restituto Malangen, pawang kabilang sa Lakas at Alma Montilla at Janet Malaya, kapwa ng LDP.
Nangako naman si Vice-mayor elect Herbert Bautista ng LDP nang buong pagsuporta sa administrasyon ni Belmonte. (Ulat ni Angie dela Cruz)