Ayon kay City Administrator Mamerto Manahan, pawang mga second copy ng Comelec ang laman ng kahon at nakatakda sanang dalhin sa Intramuros, subalit hindi naman matukoy kung sino ang nag-utos na bitbitin ang mga ballot boxes.
Kaagad namang napigilan ang pagsakay sa truck ng mga ballot boxes ng magsibaba ang ilang abogado ni Asistio sa pamumuno ni Atty. Pablo Casimina.
Sinabi naman ni Supt. Isaias Antonio, deputy chief ng Caloocan police, nag-radyo lamang umano sa kanya ang operation nila upang magbigay sila ng escort ng grupo ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at mobile upang samahan ang magdadala nito sa Intramuros.
Tinutulan naman ni Casimina ang pagbibitbit ng balota at sinabing madadala lamang nila ito kung may written order mula sa Comelec main na maaari na itong ilipat sa Intramuros. (Ulat ni Gemma Amargo)