Ang naturang talaan ay ganap na pinasyahan sa mga unang araw ng linggong ito at nakatakdang basahin sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo sa buong bansa ngayon at bukas, gaya ng karaniwang ginagawa.
Ang pahayag ay inilabas na sa publiko ngayon upang bigyang-linaw ang mga naglalabasang espekulasyon ukol dito.
Sa pahayag na nagmula sa tanggapan ni Bienvenido C. Santiago, tagapag-salita ng Iglesia na ang talaan ay binubuo ng walong kandidato mula sa partido ng administrasyon, apat mula sa oposisyon at isang independyente.
Sila ang mga sumusunod: Joker Arroyo, Franklin Drilon, Juan Flavier, Ramon Magsaysay Jr., Serge Osmeña, Francisco Pangilinan, Ralph Recto, Manuel Villar buhat sa People Power Coalition; Edgardo Angara, Loi Estrada, Panfilo Lacson, Miriam Defensor Santiago (LDP-Puwersa ng Masa) at Noli de Castro (Independent).