Sa 25-pahinang resolusyon na ipinalabas ng DOJ sa pangunguna nina State Prosecutor Reuben Carretas at Atty. Juan Jose Navera, ipinagharap ng nabanggit na kaso sina SPO4 Marino Soberano; SPO3s Mauro Torres; Jose Escalante; Supt. Glenn Dumlao; Chief Inspector Vicente Arnando; SPO1 Mario Sarmiento; SPO1 William Redd; PO2 Thomas Sarmiento; SPO1 Ruperto Nemeno; Inspector Roberto Langcauon; SPO4 Benjamin Taladua; SPO1 Ronaldo Lacasandile; Crisostomo Purification; Renato Malabanan; Jovencio Malabanan; Margarito Cueno; Rommel Rollan; William Lopez at isang hindi nakikilalang lalaki sa Manila Regional Trial Court.
Matatandaan na sina Soberano at ang iba pang kasamahan nitong suspects ay namataan sa lugar na pinagtapunan sa bangkay nina Dacer at Corbito sa Maragondon, Cavite noong nakalipas na Nobyembre 24, 2000 ng ang mga ito ay dukutin sa South Superhighway.
Binanggit pa sa resolusyon na mayroong matibay na ebidensiya para ipagharap ng kasong double murder ang mga suspect. (Mga ulat nina Grace Amargo at Andi Garcia)