Sinabi ni Nemencio Lerio, Metro Train 5005 operator na dakong alas-7:30 ng umaga ng madiskaril ang tren habang binabagtas nito ang Sangandaan station.
Bigla na lamang umanong nawala sa riles ang pang-apat na bagol nito at napunta sa gitna ng Samson road, masuwerte namang walang nasaktan sa pasahero.
Nabatid na galing ang tren sa Blumentritt station at patungo sa lalawigan ng Bicol at Cavite ng maganap ang aksidente.
Dahil dito, nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa naturang lugar dahilan upang marami ang mahuli sa kanilang mga tanggapan at paroroonan.
Lumuwag lamang ang daloy ng trapiko matapos ang dalawang oras matapos na maibalik na sa riles ang ika-apat na bagol ng tren.
Patuloy namang sinisiyasat ng pamunuan ng PNR ang naturang insidente. (Ulat ni Gemma Amargo)