Ina ng starlet inaresto

Inaresto ng mga tauhan ng pulisya ang ina ng starlet na si Mia Nolasco sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa Horse Shoe Village sa Quezon City.

Kinilala ni CPD director Rodolfo Tor ang inaresto na si Ma. Regina Nolasco, 42, ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ni PO2 Jojo Miranda ng CPD-Station 7, dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa ng arestuhin ng mga awtoridad ang ina ng starlet sa inuupahan nitong apartment sa bisa ng warrant na ipinalabas ni QC Metropolitan Trial Court Judge Augustos Diaz ng branch 37 dahil sa pagkabigo nitong dumalo sa ejectment case na isinampa laban sa kanya ni Adoracion Jacusalem.

Kinasuhan ni Jacusalem ang ina ng starlet dahil sa pagkabigo nitong mabayaran ang renta ng apartment na umaabot sa halagang P112,000.

Tumangging magbigay naman ng kanyang pahayag ang dinakip, gayunman ito ay napalaya matapos na magpiyansa. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments