Dahil dito, isang legal board panel ang bubuuin ng CHED upang mag-aral at lumikha ng mas epektibong curriculum. Bubuuin ang naturang panel ng mga mahuhusay na abogado na ibibigay sa kanila ng Korte Suprema.
Sinabi ni CHED Commissioner Ester Garcia na binigyan na sila ng Korte Suprema ng hurisdiksyon sa mga law school sa bansa at matingnan ang kalagayan ng mga ito.
Pangunahing gagampanan ng naturang legal board ang pagrerebisa at evaluation ng law curriculum ng mga unibersidad at kolehiyo. Nararapat umano na mai-update ito upang makahubog ng mahuhusay na mga abogado.
Naging batuhan ng kritisismo ng mga abogado ang CHED dahil sa umanoy pagkabigo nito na mamonitor ang mga sumusulpot na mga mahihinang klaseng law school.
Base sa bar results sa nakalipas na taong 2000, nabatid na sa 4,000 mga kumuha ng pagsusulit, tinatayang 900 lamang ang nakapasa dito. (Ulat ni Danilo Garcia)