Jail warden sinibak dahil sa jailbreak

Sinibak kahapon ang jail warden ng Pasay City dahil sa pagkakatakas ng 16 presong kabataan sa isang jailbreak na naganap noong Sabado ng gabi.

Tinanggal si C/Insp. Isagani Gamino ay tinanggal bilang jail warden ng Pasay City Jail ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ipinalit sa kanya si Sr. Supt. Augusto Retumba.

Samantala, sa 16 presong nakatakas, anim dito ang isinuko ng kani-kanilang mga magulang.

Pinaghahanap naman ang sampu pa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments