Nabatid na hinihintay na lamang ng CPD-CID ang resulta ng paraffin test laban sa mga akusadong sina Resty Carandang Jr. at Jackman Chua ng #6 Calavite st., La Loma, Quezon City, bago pormal na isampa ang kaso sa QC Court.
Ang mga napaslang na pulis na sina SPO2 Wally Red at PO3 Dionisio Alonso ng DEU-La Loma Police Station ay agad na pinagbabaril ng mga suspek nang magtungo naman sa nabanggit na lugar ang una para magresponde sa isang tawag na may nagsasagawa ng pot session sa nabanggit na lugar.
Ang insidente ay naganap alas-4 ng hapon sa nabanggit na lugar nang magsagawa ng buy-bust operation ang nabanggit na mga pulis laban sa mga suspek.
Nang masukol ang mga suspek, nang-hostage naman ito sa mga kasamahan din sa bahay na sina Aurelia de Jesus, buntis na si Norma Bautista at tatlong iba pa na hindi nakilala.
Nasugatan naman sa insidenteng ito sina PO1 Wilfredo Montecalbo, PO3 Marco Antonio Guevarra at police asset na si Henry Milan, pawang taga-DEU ng Station 1 ng La Loma Police Station.
Patuloy namang nakapiit sa CPD headquarters ang naturang mga suspek. (Ulat ni Angie dela Cruz)