Sa ilalim ng plano, dalawang accredited insurance groups na may minimum 10 non-life insurance companies sa bawat grupo ang may kapangyarihan na mag-isyu ng isang "non fault" passenger accident insurance coverage sa ibat ibang operators.
Base sa LTFRB Memorandum Circular 2001-001 at 010, ang Philippine Accident Managers Inc. (PAMI) sa pamumuno ng UCPB General Insurance Co. Inc. at Passenger Accident Insurance Consortium II (PAIC) sa pangunguna ng Great Domestic Insurance Co. Inc. ang tanging awtorisadong issuers sa lahat ng public utility vehicles. Ang PAMI ay mayroon 21 miyembro habang 16 ang PAIC.
Ang plano ay nabuo ng LTFRB dulot ng mga reklamo mula sa malalaking transport groups tulad ng FEJODAP, PISTON, PBOAP, ATOMM, PCDO-ACTO at FERCODA bunga ng pekeng insurance na iniisyu ng mga fixer at insurance agents na nagbebenta sa kanila sa mababang halaga.
Ayon naman kay Romy Maranan, national president at chairman ng FEJODAP, ang pagkalat ng fake insurance policies ay matagal ng isyu ng kanilang mga reklamo sa LTFRB. "Panahon na para ating makuha ang binayaran natin. Proteksiyon ang ating binili at hindi commission o discounts," wika ni Maranan. (Ulat ni Angie Dela Cruz)