Bangkay ng rape-slay victim natagpuan na

Isang naaagnas na bangkay ng babae na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay at isinilid sa loob ng plastic drum ang natagpuan kamakalawa ng hapon sa Bgy. Apolonio Samson, Kaingin road, Quezon City.

Tinaya ang biktima sa edad 30-35 anyos, may taas na 5’5’’, nakasuot ng maong pants at bulaklakin na t-shirt.

Nabatid kay Sr. Insp. Rudy Jaraza, hepe ng CPD Criminal Investigation Unit, dakong 1:30 kamakalawa ng hapon ng madiskubre ang bangkay ng isang 8-anyos na batang naglalaro.

Posible umanong tatlo hanggang apat na araw nang patay ang babae at sa ibang lugar pinatay at doon lamang itinapon ang bangkay. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments